Kakayanin mo ba kung ang bill mo sa kuryente ay tumataginting na Php 35,000?
‘Yan ang bill na natanggap ng residenteng ito sa loob ng isang buwan gamit ang kanyang tatlong ilaw, tatlong electric fan, TV at washing machine.
Hindi man pangkaraniwan ang kasong ito, ‘di maikakaila ang mataas na presyo ng kuryente sa Pilipinas. Dahil umano ito sa binabayarang buwis at kawalan ng subsidiya mula sa gobyerno ayon sa Economic Research Institute for ASEAN and East Asia.
May pag-asa pa bang mapababa ang patuloy na tumataas na singil sa kuryente? Panoorin ang video.